-- Advertisements --

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang No. 1 most wanted at dating police officer ng Korean National Police Agency matapos matiklo ng mga otoridad sa Naga City.

Kinilala ang akusado na si Park Junhoong, 49-anyos, dating police major na apat na taon nang nagtatago sa Ceresa Comp. Brgy. Dayangdang, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na naaresto si Park matapos silbihan ng warrant of deportation.

Nabatid na nahaharap sa kasong two standing arrest for fraud na inisyu ni Senior Consul Lee Jinsoo ng Embassy ng Republic of Korea sa Maynila na may petsa na July 1, 2019.

Ayon sa report, sangkot si Park sa pangungulimbat ng $100-million sa ilang call center sa China, Vietnam at Pilipinas.

Nagpanggap rin itong isang loan officer na nagtratrabaho sa isang financial institution.

Samantala, naaresto naman ang kasamahan nito na si Kil Jae Beak na isa ring Korean national dahil naman sa overstaying sa bansa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.