-- Advertisements --
Inanunsiyo ng organizers ng Tomorrowland ang pagkakaroon nila ng Asian edition sa Thailand.
Gaganapin ang sikat na European electronic dance music o EDM festival sa buwan ng Disyembre.
Napili nila ang Thailand dahil sa lumalagong impluwensya sa global stage of music,innovation at experience-driven tourism.
Binuo noong 20 taon ang nakakaraan ng magkapatid na Belgian na sina Manu at Michiel Beers na naging sikat na pagdiriwang ng EDM sa buong mundo.
Inaasahan ng organizers na aakit ng mahigit 50,000 katao ang nasabing EDM party sa Thailand na magsisimula mula Disyembre 11 hanggang 13 sa Pattaya beach.















