Reading Time: 1 minute
TNT KATROPA
Tnt Ka Tropa

Nakuha ng TNT KaTropa ang walong sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup matapos talunin ang Magnolia Hotshots 98-83.

Nanguna sa panalo ng TNT ang kanilang import na si Terrence Jones na nagtala ng 26 points, 13 rebounds, walong assists at limang blocks.

Dahil sa panalo ay nasa unang puwesto na ngayon ang TNT na mayroong 10-1 win-loss record.

Nag-ambag naman ng 20 points si RR Pogoy at tig-13 points sina Jayson Castro at Brian Heruela.

Umaasa naman si TNT coach Bong Ravena na maging consistent ang kaniyang mga manlalaro hanggang sa finals ng liga.

Pinangunahan nama ni Paul Lee ang Hotshots na nagtala ng 23 points habang mayroong 16 points si PJ Simon at walong puntos lamang ang nagawa ng bago nilang import na si Rakeem Christmas.