TNT Katropa
TNT KaTropa/ PBA Image

Nangailangan pa ng overtime game ang TNT KaTropa para mapanatili ang kanilang malinis na 7-0 record ng talunin ang Alaska Aces 99-93 sa PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng KaTropa si KJ McDaniels na nagtala ng 37 points at 13 rebounds.

Nag-ambag naman ng 23 points si Troy Rosario habang mayroong 12 points si RR Pogoy.

Nasayang naman ang nagawang 16 points ni Franko House at 16 points ni JV Casio.

Dahil sa pagkatalo ay mayroong isang panalo at anim na talo ang Aces.