-- Advertisements --
Nakamit ng TNT Tropang Giga ang kanilang unang panalo sa PBA 50th Season Commissioner’s Cup matapos na talunin nila ang NLEX 103-97.
Naging susi sa panalo ng TNT si Bol Bol na nagtala ng 40 points at 15 rebounds sa laro na ginanap sa Ynares Center.
Nagdagdag naman ng 15 points si Jordan Heading habang mayroong 14 points para kay Calvin Oftana.
Ayon kay TNT coach Chot Reyes na naging malaking tulong ang kanilang matinding depensa laban sa NLEX.
Sa kabuuan ng laro ay mayroong 13 deadlocks at 11 lead changes.
Pinuri nito ang NLEX dahil sa pagiging disiplinado sa laro kung saan muntik ng hindi sila manalo.
Hindi naman umubra ang nagawang 25 points at 21 rebounds ni Cady Lalanne habang 21 points ni Robert Bolick para sa NLEX.















