jOHN RIEL CASIMERO 2
WBO light flyweight interim champion John Riel Casimero

Ipinagpaliban ng Top Rank Promotions ang magaganap sanang magkahiwalay na title fights nina IBF superfyweight champion Jerwin Ancajas at WBC champion John Riel Casinlmero dahil sa pangamba sa coronavirus.

Sa isang statement, inanunsiyo ni Top Rank big boss Bob Arum na mahalaga ang kaligtasan ng kanilang mga boksingero kaya postpone muna ang laban ngayong buwan at sa Abril.

Hangad din ng veteran promoter na maibalik ang mga fans na manonood ng live sa mga bigating laban.

Si Ancajas ay nakatakda sanang idepensa ang kanyang korona laban kay Jonathan Rodriguez ng Mexico sa Abril 11 sa Las Vegas.
Si Casimero naman ay meron ding big fight sa showdown niya Japanese champion na si Naoya Inoue na hawak naman ang IBF at WBA crown.

Sina Ancajas at Casimero ay kapwa hawak ng promotions company ni Sen. Manny Pacquiao.