Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang itinuturong drug queen na si Guia Gomez-Castro.

Initial and latest data on ‘Drug Queen’:

  1. Subject arrived Sept 18, 2019 via PR flight PR 119 in Manila direct from Vancouver, Canada.
  2. Subject departed Sep 21, 2019 via 5J931 Manila to Bangkok,Thailand.

Seems like she is travelling in/out of the country every month or two.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, si Castro na sinasabing responsable sa pag-recyle sa mga iligal na drogang nasasabat sa mga police operation sa Maynila ay nakaalis na sa bansa noong Setyembre 21.

Una rito, dumating umano sa bansa si Castro noong Setyembre 18, 2019 mula Vancouver, Canada.

Pero umalis ito noong Setyembre 21 paputang Bangkok sa Thailand.

Sinabi ni Sandoval na hindi siya hinaharang ng mga BI officials dahil wala naman umano itong derogatory record base sa kanilang database.

Dagdag ni Sandoval, lumalabas sa bansa ang suspek isa o dalawang beses kada buwan.

Maalalang nauna nang pinangalanan ni Manila Police District Director Brig. Gen. Vicente Danao na sangkot ang dating kapitana sa iligal na droga.

Sa inilabas na drug matrix, tinukoy dito ang isang barangay captain na taga-Sampaloc sa Maynila na protektado umano ng ilang ninja cops.