-- Advertisements --

Nag-issue ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ng thunderstorm warning nitong Lunes, Hulyo 28, ngayong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa weather bulletin forcast ng state weather bureau, inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malalakas na hangin sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Batangas, at Bulacan sa susunod na dalawang oras.

Kasabay nito, iniulat din ng ahensya na kasalukuyang nararanasan ang ganitong kondisyon sa Zambales, Quezon (General Nakar), Rizal (Cainta, Taytay, Antipolo, at iba pa), Nueva Ecija, Tarlac, Bataan, at Pampanga, at maaaring magpatuloy pa sa mga kalapit na lugar.

Pinayuhan ng Department of Sicence and Technology ang publiko na mag-ingat laban sa mga posibleng epekto ng mga pag-ulan tulad ng flash floods at landslides.

Dagdag pa rito, minomonitor ng ahensya ang Tropical Depression Co-May at Typhoon Krosa, na bagama’t wala pang direktang epekto sa bansa, ay posibleng palalain ang habagat na kasalukuyang dumadaan sa karamihan ng bahagi ng Pilipinas.