Laglag na sa second round ng NBA playoffs ang Oklahoma City Thunder matapos na pahiyain ng Utah Jazz sa Game 6 sa score na 91-96.

Tinapos ng Jazz ang serye sa 4-2 para umusad sa semifinals.

Sa kabila nito naging kapalit naman sa pamamayani ng Utah ang pagkakaroon ng hamstring injury ng pointguard na si Ricky Rubio.

Sa first quarter pa lamang ng laro ay inilabas na si Rubio dahil sa pamimilipit nito sa sakit matapos ang behind-the-back pass kay Rudy Gobert.

Wala pang deklarasyon ang koponan sa estado ni Rubio kung makakalaro ito sa first game sa next round.

-- Advertisement --

Kung sakali malaking kawalan si Rubio lalo na at malaking bagay sa serye na sa unang limang laro ay nag-average siya ng 16.8 points, 8.6 rebounds at 7.8 assists.

Sa Game 3, nagtala pa siya ng triple-double sa pamamagitan ng 26 points, 11 rebounds at 10 assists.

Nagdala sa panalo ngayon ng Jazz ang ipinakitang 38 big points ni Donovan Mitchell.

Habang nasayang naman ang performance ng NBA MVP na si Russell Westbrook na kumamada ng 46 points, 10 rebounds at five assists.