-- Advertisements --

Pinatawan ng $25,000 na multa ng NBA sina Oklahoma City Thunder guard Dennis Schroder dahil sa panununtok kay Houston Rockets forward P.J. Tucker.

Namultahan rin ng NBA si Tuckers ng parehas na halaga dahil sa pinalala nito ang insidente.

Naganap ang insidente sa natitirang 6:51 sa third quarter nitong Linggo kung saan nagwagi ang Rockets 114-80.

Nilusob ni Schroder si Tucker kung saan kapwa sila bumagsak sa floor hanggang sila ay inawat ng ibang mga manlalaro.

Unang pinatawan ng flagrant foul 2 at pinalayas sa court si Shroder habang si Tucker ay binigyan ng technical foul at pinalayas din sa court.