-- Advertisements --
image 459

Nananatiling laganap pa rin ang text scams sa bansa sa kabila ng iniulat na pagbaba ng Department of Infromation and Communications Technology (DICT).

Matatandaan na noong Enero, sinabi ng DICT na nabawasan na ang text scams kasunod ng pagpapatupad ng SIM registration law.

Ayon kay Senator Grace Poe na principal author ng SIM registration law na namamayagpag pa rin ang tinatawag na SIM farms at spoofing tools at hindi aniya titigil ang mga scammers sa paggawa ng paraan para magnakaw ng impormasyon at manloko ng mga indibidwal.

Hinikayat din ng Senadora ang DICT at ang mga telecommunications companies na pigilan ang lahat ng humahadlang sa pagpapatala ng mga SIM registrant bago ang deadline sa Abril.

Base sa latest data mula sa DICT, nasa 45.8 million users na ang nakapagparehistro ng kanilang SIM cards na katumbas ng 27.12% ng kabuuang 169 million SIM active subscriber sa buong bansa.