-- Advertisements --

Kinumpirma ng gobyerno ng Timor-Leste na nakatakdang pabalikin sa Pilipinas ang pinatalsik na kongresista na si Arnolfo Teves Jr.

Ayon sa Timor-Leste government, na ang presensiya ni Teves ay nagrerepresenta ng seryoso at hindi katanggap-tanggap na sitwasyon.

Ito rin aniya ang sumisira sa bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Timor-Leste.

Nagkakaroon na kasi ng hindi magandang imahe ang Timor-Leste dahil ito ay takbuhan ng mga indibidwal na tinatakasan ang pandaigdigang hustisya na siyang sumisira sa kanilang integridad sa kanilang borders at ang paglaban nila sa transnational crimes.

Ang pagpapasya ng Timor-Leste government na pabalikin si Teves sa Pilipinas ay hakbang administratibo ng kanilang Ministry of Interior dahila walang tamang legal na authorization si Teves mataposna kanselahin ang kaniyang pasaporte.

Dagdag pa ng gobyerno ng Timor-Leste na dahil sa krimen na ginawa ni Teves sa Pilipinas ay pagbabawalan na itong makapasok sa kanilang bansa sa loob ng 10 taon base sa kanilang migration at asylum law.

Magugunitang itinuturong mastermind si Teves sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siya rin ang itinuturong nasa likod ilangmga krimen sa nasabing lugar.