-- Advertisements --

Hindi pa ring pinayagan ng Alaska Aces na makakuha ng unang panalo ang TerraFirma Dyip matapos lusutan ito 99-96 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Binuhat ni Vic Manuel ang Aces na nagtala ng 18 points at pitong rebounds habang mayroong double-double performance si Abu Tratter na nagtala ng 10 points at 11 rebounds sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Tila nakahinga ng malalim ang Aces matapos na magkaroon na ng apat na panalo at tatlong talo.

Sinabi naman ni Aces coach Jeff Cariaso na tinapatan lamang nila ang depensa na ipinakita ng mga Dyip.

Muntikan pang madala ng Dyip ang laro sa overtime matapos na hindi nakapasok ang kaniyang three-points.

Dahil dito ay wala pang naipapanalo ang Dyip sa limang sunod na mga laro.