-- Advertisements --

Mataas ang kumpiyansa ng tennis team ng bansa na sasabak sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand dahil sa pagsabakni Alex Eala.

Nanguna kasi si Eala na naging flag bearer kasama si volleyball star Bryan Bagunas sa opening ceremony ng torneo.

Dahil sa pagsali ni Eala ay umaasa ang tennis team ng bansa na makakahakot pa sila ng mas maraming medalya.

Target nilang mahigitan ang isang gintong medalya na kanilang nakuha noong 2023 SEA Games.

Sinabi ni HILTA Secretary General and Navotas City Mayor John Rey Tiangco na isang karangalan para makasama si Eala kaya labis nilang pinaghandaan ang nasabing torneo.

Noong 2021 SEA Games kasi ay humakot ng tatlong bronze medals si Eala.

Ilan sa mga miyembro ng tennis team ng bansa ay sina ric Olivarez, Alberto Lim, Alexa Milliam, Francis Alcantara, Ruben Gonzales, Shaira Rivera, Tennielle Madis, Stefi Aludo, at Arthur Craig Pantino.