-- Advertisements --
Abanse na sa womens doubles quarterfinals ng Abu Dhabi Open si Alex Eala at Janice Tjen ng Indonesia.
Tinalo ng dalawa ang magkasamang sina Filipino-Canadian Leylah Fernandez at Kristina Mladenovic ng France.
Naitala ng nina Eala ang panalo sa score na 7-5, 3-6 at 10-6.
Naresolba nina Eala ang mahinang pagsisimula ng laro sa Set 1 subalit gumanti agad sina Fernandez pagpasok ng ikalawang set.
Hindi nagpatinag sina Eala at Tjen hanggang tuluyang maisara nila ang panalo.














