-- Advertisements --
Muling nagtala ng panibagong career-best sa Women’s Tennis Association (WTA) si Alex Eala.
Sa inilabas na bagong ranking ay nasa pang-45 na ito mula sa dating ranked 49.
Nagtala ito ng dagdag na 11 ponts para makaangat sa 1163 points matapos na makapasok sa semifinals ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand at main draw debut niya sa Australian Open.
Nagwagi din si Eala sa exhibition title sa Kooyong Classic sa Melbourne.
Umabot din sa quarter finals si Eala sa kauna-unahang Philippine Women’s Open ng mabigo siya kay Camila Osorio ng Colombia na siyang nagkampeon sa torneo.
















