-- Advertisements --
SERENA WILLIAMS

Napuno ng emosyon ang pagtatapos ng laro ng tennis legend na si Serena Williams makaraang matalo sa third round sa US Open kay Ajla Tomljanovic ng Australia sa score na 7-5, 6-7 (4), 6-1.

Naiyak si Williams lalo na at dumadagundong sa pag-cheer sa kanya ang mahigit 23,000 fans na bumuhos sa Arthur Ashe Stadium upang panoorin ang sinasabing huling laro sa kanyang career.

“I don’t really give up,” ani Williams. “In my career I’ve never given up. In matches I don’t give up. Definitely wasn’t giving up tonight.”

Sa kabila na 40-anyos na si Williams, hindi naman kaagad siya tumiklop sa kalaban na mas bata at 29-anyos lamang na si Ajla na inabot ng tatlong oras ang game.

Nag-sorry din naman si Ajla na binigo niya ang fans sabay amin na “idol” niya si Williams.

Samantala, kung sa buong akala ng lahat ay tapos na ang maliligang araw ni Serena sa tennis court, halos urong-sulong pa rin ito at wala pang kategorikal na deklarasyon na retired na nga siya.

Ajla tennis
Ajla Tomljanovic

Nagpahiwatig pa ang 23-time Grand Slam champion na meron pa siyang ibubuga, kahit may isa na siyang anak at ngayong buwan ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika-41 kaarawan.

“Clearly I’m still capable… I’m ready to be a mom explore a different version of Serena,” pahayag pa ni Williams. “Technically in the world, I’m still super young so I want to have a little bit of a life while I’m still walking.”