DOTA
DOTA 2/ SIBOL FB IMAGE

Nakuha ng team Sibol, national team ng bansa, ang pangalawang gintong medalya sa larong DOTA2 sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asia Games na ginaganap sa San Juan Arena.

Tinalo kasi ng national ang Thailand 3-2 sa best of five games.

Binubuo nina Van Jericho Manalaysay, John Anthony Vargas, James Guerra, Bryle Alvizo at Marvin Rushton ang DOTA 2 team.

Unang nakuha ng team Pilipinas ang panalo subalit nakaganti ang Thailand sa ikalawang round.

Magugunitang unang nakuha ng team Sibol ang gold medal sa larong Mobile Legend nitong Linggo.

Sa araw naman ng Martes ay may tsansa pa muling makakuha ng gintong medalya ang Esport team ng bansa sa pamamagitan ni Caviar Acampado sa larong StarCraft II kontra sa Singapore habang magsisimula ang laban ng Tekken 7 na kasama sa ESport games.