-- Advertisements --

Nananawagan ngayon si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party List Representative France Castro kay Pangulong Bongbong Marcos na muling buksan ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines- New Peoples Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) para sa totoong pagkakaisa ng bansa.

Ang panawagan ni Castro ay kasabay ng pagdiriwang ng ika 54th anniversary ngayong araw ng CPP NPA NDF ngayong araw, December 26,2022.

Naniniwala si Castro na ang pagbabalik muli ng peace negotiations sa usaping pangkapayapaan ay tugon para makamit ang totoong pagkakaisa at ituloy kung ano ang huling pag uusap.

Sinabi nng mambabatas na ang peace negotiations ay nagkaroon ng milestone agreements simula nuong 1992.

Kabilang sa napagkasunduan nuon ng GRP at NDFP panels Comprehensive Agreement on Social and Economic Reform (CASER) na siyang tutugon sa root causes ng armed conflict.

Subalit nuong November 2017 tinerminiate ni dating President Rodrigo Duterte ang peace talks sa makakaliwang grupo.

Ayon sa Teacher solon sayang ang mga napagkasunduan na lalo na sa land reform, rural development at national industrialization and economic development dahil ito ang gist ng negotiations at panimula para tugunan ang ugat ng kaguluhan.

Dagdag pa ni Cong Castro marami ang sumuporta sa nangyaring breakthrough sa peace negotiations kabilang ang ilang mga mambabatas.

Ipinunto din ni Castro na walang halaga ang fake news, red tagging at pekeng mga surrenderees ang maaaring makapagbago dahil mayruon talagang glaring inequalities sa Philippine society.