Namemeligro ngayon ang reigning champion na Toronto Raptors matapos malasap ang ikalawang talo sa kamay ng Boston Celtics sa best-of-seven series sa NBA semifinals.
Nagsama ng pwersa sina Jason Tatum na may 34 points at Marcus Smart na nagpakita naman ng 19 points upang muling pahiyain ang Raptors sa score na 102-99.
Ang Game 3 ay gagawin sa Biyernes.
Bago ito hawak din ng Boton ang 3-0 sa NBA restart bubble at may 5-1 record pa ngayong season laban sa Raptors.
Umeksena ng husto si Smart gamit ang 16 points sa loob ng tatoong minuto sa unang bahagi ng fourth.
Umabot pa sa limang 3-pointer ang naipasok ni Smart.
Maging si Kemba Walker ay hindi rin nagpahuli sa kanyang 11 points para sa kabuuang 17 puntos.
Sa panig ng Toronto si OG Anunoby ay nakatipon ng 20 points at meron ding 19 mula kay Fred VanVleet.
Sina Serge Ibaka at Pascal Siakam kapwa may 17 points habang si Kyle Lowry ay nagtapos.