Nangako ng dagdag na suporta ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine matapos ang ginawang pag-atake ng Russia malapit sa border ng Poland.
Ayon kay NATO Secretary-General Mark Rutte na mahalaga na magkaroon ng dagdag na suporta ang Ukraine dahil sa mapanganib at patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Giit nito na hindi magpapatinag ang 32-nation military alliance mula sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Mas papalakasin aniya nila ang kanilang pagdepensa sa border ng Russia.
Bukod pa sa NATO ay nangako rin ang Poland ng pagpapalakas ng suporta sa Ukraine.
Magugunitang tinamaan ng drone ng Russia ang train malapit sa border ng Ukraine at Poland.
Nangyari ang drone strike matapos ang pagdaan nina dating British Prime Minister Boris Johnson at dating Swedish Prime Minister Carl Bildt .
















