-- Advertisements --

Nakatakdang buhayin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang presidential task force na siyang tututok sa kahandaan ng bansa laban sa epekto ng El Niño na inaasahang tatama sa bansa sa unang kalahating taon ng 2024.

Ayon kay Defense Secretary, inaasahang lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang Executive Order na siyang mag reactivate sa kahalintulad na task force na binuo nuong 2001.

Paliwanag ni Teodoro layon ng executive order na mapaghandaan nang maaga at masolusyunan nang mabilisan ang magigng epekto ng El Niño.

Binigyang-diin ng kalihim na mahigpit na tututukan ng gobyerno ang “water security, food security, energy security, health security at public safety.”

Siniguro din ni Teodoro na lahat ng interventions ay magiging top priority para tugunan ang epekto ng El Niño.

Dagdag pa ni Teodoro na inatasan naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na kumulekta ng mga datos para sa gagawing interagency coordination at decision making.

Magkakaroon din ng information dissemination at localized distribution ng mga impormasyon sa mga apektadong lugar.

Ayon naman kay DOST Secretary Renato Solidum magsisimula ang El Niño ngayong buwan ng December 2023 at lalala sa kalagitnaan ng 2024 partikular sa buwan ng Abril.

Nasa 63 na mga probinsiya ang makakaranas ng tagtuyot.

Dagdag pa ng DOST na ang CARAGA at ilang bahagi ng Davao Region ay hindi tatamaan ng tagtuyot.

Sa panig naman ng Department of Environment and Natural Resources mahigpit nilang minomonitor ang ang water supply sa mga urban centers at maging sa agricultural sector.