-- Advertisements --

Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kaniyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease.

Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno.

Ang nabanggit na bilang ay doble pa sa initial goal na 100 million vaccinations sa loob ng 100 araw. Tinawag ito ni Biden na isang “incredible achievement” para sa Amerika.

Ibinahagi rin nito na magiging available na ang tax credits sa mga employers na babayaran pa rin ang kanilang mga empleyado na umabsent para magpabakuna.

Ayon sa Democratic president, walang sinumang Amerikano ang dapat mabawasan ng sahod dahil lang sa pagnanais nilang magpabakuna.

Kasama sa tax credits ang mga kumpanya na may 500 empleyado, kabilang din sila sa $1.99 trillion American Rescue Plan na nilagdaan bilang batas ni Biden noong nakaraang buwan.

NARITO ANG BAHAGI NG NAGING TALUMPATI NI DEMOCRATIC PRESIDENT JOE BIDEN