Patay ang alkalde ng Talitay, Maguindanao matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa lungsod ng Maynila.

Una rito, nasa harap ng isang hotel sa Malate, Maynila si Mayor Abdulwahab Sabal ng ito ay pagbabarilin ng suspek nitong Martes ng madaling araw.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang insidente.

Sa ngayon puspusang ang ginagawang imbestigasyon ng MPD kung ano ang motibo at nasa likod nang pagpatay sa alkalde.

Sinasabing nasa Maynila ang mayor dahil sa dumalo sa ipinatawag na pagpupulong kahapon ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga chief executives sa buong bansa.