-- Advertisements --

Inihayag ng mga Taliban ministers sa United Nations na kanilang babaguhin ang mga panuntunan sa pagbabawal sa mga kababaihan ng Afghanistan na magtrabaho.

Ayon kay Martin Griffiths ang UN Under-Secretary-General for Humanitarian Affairs, na isa ito sa naging resulta ng pagbisita ng UN sa Afghanistan noong nakaraang mga linggo para pakiusapan ang Taliban na kung maaari ay bigyang laya ang mga kababaihan nila na makapagtrabaho.

Mahalaga kasi ang papel ng mga kababaihan ng Afghanistan na nagtatrabaho sa mga humanitarian operations.

Mula aniya na pagbawalan ng Taliban ang mga kababaihan sa Afghanistan na magtrabaho ay umatras na ang mga ahensiya na nagbibigay ng tulong.

Magugunitang nagbunsod sa kilos protesta ang hakbang na ito ng Taliban na pagbabawal sa mga kababaihan na magtrabaho at maging mag-aral sa mga unibersidad.