Hindi nagpahayag ng pagkatakot ang Taiwan sa ginawang tatlong araw na simulation target strikes ng China.
Ayon sa defence ministry ng Taiwan na lalo pa nilang papalakasin ang kanilang kahandaan sa pakikipagdigma.
Maging ang US ay mananatiling nakabantay sa anumang hakbang na gagawin ng China matapos ang tatlong araw na simulation drill.
Nagbunsod ang nasabing simulating target ng China mula ng bumisita sa US si Taiwanese President Tsai Ing-wen at nakipagpulong kay US Speaker of the House Kevin McCarthy.
Iginigiit pa rin kasi ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan at kaya nila isinagawa ang military exercise dahil sa ginawa ng Taiwan president.
Sinabi ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesman Wang Wenbin na kung nais ng mga bansa ng kapayapaan sa Taiwan Strait ay dapat hindi nila sang-ayunan ang anumang balak ng Taiwan na maging independent.
Magugunitang sa ginawang tatlong araw na simulation ng China ay nagpalipad sila ng 91 fighter jets at 12 Chinese warship na nakapalibot sa Taiwan.