-- Advertisements --

Ikinagalit ng Taiwan ang muling pagpapalipad ng China ng kanilang eroplanong pandigma sa kanilasng air defense identification zone.

Ayon sa Taiwanese Defense Ministry na mayroong 52 Chinese aircraft ang kanilang nakitang lumipad sa himpapawid na kanilang nasasakupan.

Ang nasabing bilang ay mas marami kumpara noong nakaraang araw na mayroong 39 lamang.

Kinabibilangan ito ng 34 na J-16 fighter jets, 12 na H-16 bombers, dalawang SU-30 fighters, dalawang Y-8 anti/submarine warfare planes at dalawang KJ-500 airborne early warning at control planes.