-- Advertisements --

Umarangkada na ngayong Lunes, Disyembre 1, ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG), na inihayag ng ilang supplier.

Ayon sa anunsyo, tumaas ang presyo ng P2 kada kilo, na katumbas ng P22 dagdag sa 11-kilong cylinder, batay sa international contract price para sa buwan ng Disyembre.

Ipinabatid rin na may ibang kumpanya na nagtaas ng presyo ng P1.64 kada kilo, epektibo mula alas-6 ng umaga ngayong araw.

Pinapayuhan ang mga mamimili na kumonsulta sa kanilang lokal na dealer para sa pinakabagong presyo.

Ayon sa mga budget watcher, maaaring kailanganin ng mga pamilya na i-adjust ang kanilang buwanang gastusin sa pagkain at fuel upang masakop ang mas mataas na presyo ng cooking gas.