Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 23 pagyanig mula sa Taal Volcano.
Kabilang sa mga ito ang 15 volcanic tremors na tumagal hanggang tatlong minuto.
Patuloy din ang nagaganap na pagsingaw sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na may taas na 2,400 metrong taas, kung saan napadpad ito sa timog-kanluran at hilagang-kanlurang direksyon.
Maliban dito, may ground deformation din sa kalakhang bahagi ng Taal Caldera.
Sa ngayon ay nananatili ang bulkan sa alert level 2, kaya mahigpit na pinagbabawalan ang mga tao na lumapit dito upang makaiwas sa panganib ng mga biglaang pagbuga ng usok at abo.
Pinaiigting naman ng PHIVOLCS ang kanilang monitoring sa paligid ng volcano island, upang mabilis na maabisuhan ang publiko kung kinakailangan.