Reading Time: 1 minute
Swine Fever
African Swine Fever/ Science image

Kumalat na hanggang silangang bahagi ng Japan ang swine fever virus.

Ito mismo ang kinumpirma ng Japanese agriculture ministry na patuloy namang gumagawa ng paraan ang mga otoridad para ito ay mapigilan.

Ang nasabing kaso ay siyang unang kaso na naiulat sa Kanto region ng eastern Japan mula ng magsimula ang epidemic sa Gifu taong 2018.

Sa ginawang pagsusuri ng mga otoridad, nakitaan nila ng problema sa kanilang internal organs ang mga namatay na baboy.

Unang naiulat ang outbreak noong 1992 na naideklarang cleared na noong 2007.