greta thunberg 2
Greta Thunberg

Tinanghal bilang Person of the Year ng Time Magazine si Greta Thunberg.

Ang 16-anyos na Swedish schoolgirl ay itinuturing na pinakabatang napili ng nasabing magazine sa tradisyon na nagsimula mula pa noong 1927.

Magugunitang nagtalumpati si Thunberg sa United Nations climate change summit na ginanap sa Madrid.

Nanawagan ito sa mga liders na tigilan na ang puro salita at gumawa ng hakbang para sa climate change.