-- Advertisements --

Pansamantalang ikinulong bago ipadeport ng mga opisyal ng Israel ang aktibista na sakay ng barko.

Kasama sa 12 aktibista ay Greta Thunberg ng Sweden at isang French European parlamentarian.

Tatayong abogado naman ng grupo ang Adalah, isang sikat na Palestinian-Israeli human rights at civil rights organization.

Sasampahan sila ng kaso dahil umano sa iligal na pagpasok sa Israel.

Una ng itinanggi ng mga aktibista na nais lamang nilang makarating sa karagatan ng Gaza.

Magugunitang hinarang ng Israeli navy ang Madleen aid vessel na lulan ng mga aktibista at dinala ang mga ito sa pantala n ng Ashdod.