-- Advertisements --

Naideport na ng Israel si Swedish campaigner Greta Thunberg isang araw matapos na maharang ang sinakyan nitong aid boat.

Ayon sa Israel foreign ministry office, kasama nito ang 11 iba pa pinasakay sa flight patungong France.

Itinanggi rin ng Israel ang alegasyon ni Thunberg na kanila itong dinukot habang nasa international waters.

Lima kasi sa kasama ni Thunberg ay mamamayan nila kung saan pumirma pa ang mga ito ng deportation order.

Magugunitang naharang ng Israel Forces sa Mediterranean Sea ang barko na sinakyan ng kilalang environmentalist.

Iginiit naman ng aktibista na kaya sila sumakay sa Madleen aid ship para magdala ng mga tulong sa Gaza.