-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang pansamantalang suspensiyon ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Maynila sa darating na Nobyembre 17 at Nobyembre 18, 2025.

Ang hakbang ay isinagawa upang bigyang-daan ang inaasahang mapayapang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng suspensiyon na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at maiwasan ang posibleng abala sa trapiko dulot ng pagtitipon.

Inaasahan ang pagdagsa ng libu-libong miyembro ng INC mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa nasabing aktibidad.

Nanawagan si Mayor Isko sa publiko na maging mahinahon at makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod sa panahon ng kilos-protesta.

Ang mga paaralan ay inaasahang magpatupad ng alternatibong paraan ng pag-aaral, gaya ng online classes, upang hindi maantala ang edukasyon ng mga mag-aaral.