Dumalo ng personal si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at sa inmate at middleman na si Jun Villamor.
Sa pagdating ni Bantag sa Department of Justice muli nitong iginiit na hindi siya nagtatago.
Sa unang pagdinig kasi sa dalawang kasong murder noong Nobiyembre 23 hindi dumalo si Bantag dahil sa maling middle name na nakalagay sa subpoena na inisyu sa kaniya.
Maaalalang si Bantag ang itinuturong isa sa mastermind sa likod ng pagpatay kay Lapid at sa middleman.
Maliban kay Bantag, isinasangkot din sa naturang kaso si dating BuCor Senior Superintendent Ricardo Zulueta at ilan pang person deprived of libertysa pagakamatay ni Lapid.
Una ng pinagsuspetsahan ni Bantag na isang sindikato at narco-politics ang nasa likod ng pagpapabagsak sa kaniya para ituro itong mastermind sa pagpatay kay Lapid.