-- Advertisements --
Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang 17-anyos na si Ethan Crumbley dahil sa naganap na mass shooting sa Oxford High school sa Michigan.
Sa nasabing insidente noong 2021 ay nagresulta sa pagkasawi ng apat na mag-aaral at ikinasugat ng pitong iba pa.
Bago ang pagbasa ng hatol ay inamin ng suspek na ito ay napakasamang tao.
Handa umano nitong tulungan ang ibang tao para siya ay maging mabuti sa iba.
Ikinagalak naman ng kaanak ng mga biktima ang naging hatol sa suspek.
Magugunitang pinasok ng suspek ang paaralan noong 2021 at walang habas na namaril gamit ang mga matataas na uri na kalibre ng baril.
Agad din naaresto ang suspek ng mabilis na rumesponde ang mga kapulisan.