-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalake nang makipagbarilan sa mga pulis sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang nasawi na si Kautin Esmael na residente umano ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Lambayong Municipal Police Station (MPS) na tinutukan ng baril ng suspek ang biktimang si Richard Cerbales at tinangay ang kanyang motorsiklo.

Agad nagreport ang biktima sa Lambayong MPS kaya inalerto na nito ang kanilang mga PNP checkpoint.

Namataan ang suspek sa national highway sa Barangay Didtaras Lambayong Sultan Kudarat at pinara ng mga pulis sa kanilang Comelec checkpoint ngunit hindi huminto.

Hinabol ng mga pulis ang suspek kaya naabutan sa purok pag-asa imbes sumuko ay nakipagbarilan ito.

Malubhang nasugatan si Esmael at dinala ng mga pulis sa ospital ngfunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober ng mga pulis sa posisyon ni Esmafel ang isang kalibre.45 na pistola,nakaw na motorsiklo at sling bag na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa ngayon ay naghigpit pa ang mga pulis sa pagpapatupad ng seguridad sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat.