-- Advertisements --

Patay ang isang sibilyan na empleyado sa isang police station matapos na ito ay tambangan sa Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.

Nakasakay sa kaniyang motorsiklo ang biktimang si Jonathan Juan ng pagbabarilin ng hindi kilalang suspek nitong araw ng Sabado, Agosto 22.

Sinabi ni Capt. Steffie Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na si Juan ay isang non-uniformed staff member ng Sultan Kudarat Municipal Police Station.

Agad itong nasawi dahil sa matinding tama ng bala habang ang mga suspek ay mabilis na tumakas.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.