-- Advertisements --
Naaresto na ng mga otoridad sa Saudi Arabia ang suspek sa pagpatay sa isang overseas Filipino worker (OFW) na si Marjorette Garcia.
Ayon kay Department of Foreign Affaris (DFA) Assistant Secretary Paul Cortes, na kinumpirma sa kanilang mga Saudi authority isang araw matapos na natagpuang patay dahil sa saksak sa katawan ang 32-anyos na biktima.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ng Saudi ang suspek para malaman ang motibo nito sa pagpatay sa OFW na tubong Pangasinan.
Isa umanong dayuhan ang suspek na lumalabas na kasamahan ng biktima sa trabaho.
Taong 2021 ng magtungo sa Saudi Arabia ang biktima para magtrabaho.
Nakikipagtulungan na ang DFA sa mga otoridad at mga opisyal ng embahada sa Saudi Arabia ganun din sa pamilya ng biktima.