Natagpuang patay ang suspek na gumahasa at pumatay sa isang batang babae na nangangaroling sa Bauan, Batangas.

Nakitang tadtad ng bala ng baril ang bangkay ni Mark Alvin Sajer sa isang bakanteng lote sa nasabing lugar.

Nangyari ang insidente ilang araw matapos na ito ay payagang makapagpiyansa para sa temporaryo nitong paglaya.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang nasa likod ng nasabing pagpatay kay Sajer.

Magugunitang ang suspek ay siyang nasa likod ng panggagahasa sa batang babae na nangangaroling lamang noong Disyembre.