-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Naisalalim na sa inquest proceedings ang apat sa lima na mga itinuring pumaslang sa kilalang local urologist at medical director din sa religious run na pribadong ospital ng Cagayan de Oro City.

Sinabi sa Bombo Radyo ni City Police Diretor Col Aaron Mandia na kasong murder at dalawa pang criminal charges ang kakaharapin ng mga suspek sa piskalya patungkol ng umano’y pagkasangkot ng mga ito pagpatay kay Maria Reyna- Xavier University Hospital medical director Dr Raul Winston Andutan nang tinambangan sa Barangay Nazareth ng lungsod.

Inihayag ni Mandia na kabilang sa mga sasamahan ng kasong murder,illegal possession of firearmas,illegal possession of explosives ay ang mga arestado na sina Felipe Tinabnab;Jojo Chavez; Jomar Adlaw,Joel Nacua na mismo bumaril sa biktima at ang at large na si former army reserved Rene Tortusa.

Dagdag ng opisyal na nilaliman pa nila ang imbestigasyon upang makuha ang pinaka-motibo ng kremin at kung sino ang nasa likod ni Tortusa na maaring nag-uutos sa kanya para ipatuman sa apat na arestadong suspek ang doktor.

Magugunitang mismo si Tortusa ang nagmanaman kay Andutan sa mismong bahay nito sa Barangay Macasandig at nang maka-tsansa ang kanyang ‘gun for hire’ suspected killers ay binanatan na nila ito gamit ang kalibre 45 na baril noong nakaraang Huwebes ng umaga.

Una nang ipinag-utos ni City Mayor Oscar Moreno na hindi dapat pakampante ang PNP kahit nahuli na ang apat sa mga suspek subalit dapat alamin ang pinakaugat kung bakit kinitalan ng buhay ang biktima.

Si Andutan ay matagal nang medical partner ni Moreno simula noong gobernador pa ito ng Misamis Oriental at hanggang sa kanyang pagsilbing mayor naman sa Cagayan de Oro City.

Sa ngayon,nanatilig tikom pa ang pamilya ng biktima habang humingi ng pribasiya para ipagluksa ang masakit na pagpanaw nito noong nakaraang linggo.