BUTUAN CITY – Nababalot ng takot ang mga residente ng Surigao provinces matapos inihayag ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng yayanigin ng magnitude 8.2 na lindol ang nasabing lalawigan.
Una nang inihayag ni Jeffrey Perez, supervising Science research specialist ng PHIVOLCS, posibleng mangyari ito dahil sa mga aktibong faults at trenches ng bansa.
Isa ito sa mga nakikitang senyales na maaaring maganap ang malalakas na lindol sa ilang lugar sa Pilipinas kasama ang Surigao del Sur at Surigao del Norte.
Dagdag pa ni Perez, araw-araw na may lindol sa Pilipinas dahil nasa Pacific Ring of Fire ang lokasyon nito.
Maliban pa ito sa katotohanan na ang mga ibang aktibong trenches at faults na isyang mga earthquake generators, ay may potensyal na magdulot ng malalakas na lindol at tsunami.