-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Walang basehan ang resolusyong naipasa ng Surigao City Council na humihiling sa Department of Health (DOH) Caraga na hindi na magre-refer ng COVID-19 patient o kaya’y ‘Patient Under Investigation’ (PUI) sa Caraga Regional Hospital.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, nilinaw ni Butuan City at Agusan del Norte 1st District Representative Lawrence Lemuel Fortun na hindi dapat kalimutan ng mga opisyal sng Surigao City ang nature ng nasabing ospital na isang DOH-regional hospital na pinupunduhan ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health kung kaya’t ang pundong ginagamit sa operasyon nito pati na sa sahod ng mga empleyado ay pinupunduhan ng national government at hindi ng Butuan City local government’

Dahil dito’y malinaw na walang kontrol at superbisyon ang Surigao City government sa naturang ospital kung kaya’t wala itong binding effect sa nasabing ospital.

Kampante si Congressman Fortun na babalewalain ito ng DOH-Region 13 sa rasong hindi ito resolusyong nag-aatas sa DOH na hindi hindi na maglalagay ng mga PUIs sa Caraga Regional Hospital kundi ay nagmumungkahi lamang.

Dagdag pa ng kongresista, kahit na hindi pa irereklamo ang nasabing resolusyon sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ay walang dapat na ikakabahala ang mga tawo dahil wala itong ngipin upang susundin.