-- Advertisements --

Pinuri ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang bagong kasunduan sa pagitan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Office of the Ombudsman, na itinuturing niyang makapangyarihang hakbang para mas mapalakas ang pagpapatupad ng Ease of Doing Business (EODB) law at labanan ang red tape sa gobyerno.

Ayon kay Zubiri, ang partnership ng ARTA at Ombudsman ay magpapabilis sa paglutas ng mga kaso laban sa mga ahensyang lumalabag sa EODB law.

Ang pagsasama sniya ng mga kaso mula sa ARTA sa mga imbestigasyon ng Ombudsman ay magbibigay ng mabilis na aksyon at magsisilbing babala laban sa mga hadlang sa serbisyo at korapsyon.

Inaasahan niyang ang hakbang na ito ay magpapabuti sa mga proseso sa mga permit desks at frontline offices, na kadalasang nagiging ugat ng maliliit na kaso ng korapsyon at mababang produktibidad.

Dagdsg pa ng senador, ang mabilis na pagpapatupad ng mga regulasyon ay magtataas ng tiwala ng publiko at mga negosyo, at magbibigay daan para sa mas malinaw na aksyon laban sa red tape at korapsyon. (REPORT BY BOMBO JAI)