Sapat ang supply ng COVID-19 vaccines para sa nalalapit na ikalawang National Vaccination Days, ayon kay National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon.
Ayon kay Dizon, hindi lamang sa bakuna kontra COVID-19 sapat ang supply ng Pilipinas kundi maging sa mga syringe na gagamitin.
Disyembre 15 hanggang 17 nakatakda ang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan sa buong bansa.
Iginiit ni Dizon na ang solusyon lang para sa magtuloy-tuloy ang nararansang mababang bilang ng mga naitatalang COVID-19 cases ay kapag mas maraming tao pa ang makapagpabakuna.
Sa unang bahagi ng Bayanihan, Bakunahan na isinagawa noong Nobyembre 29, nagawang makapagbakuna ng pamahalaan ng mahigit 10 million katao.
Sinabi ni Dizon ang priority nila sa second round ng national vaccination drive ana ito ay ang mga tatanggap ng second dose.
Target dito ng pamahalaan na makapagbakuna ng nasa pito pang milyon ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pero sinabi ni Dizon na sa kanilang tantiya naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ay aabutin ito ng hanggang siyam na milyon.