PDEA1

Arestado ang isang supplier ng party drugs sa Quezon City at Pasig sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-SES) at QCPD station 10 sa may bahagi ng Mother Ignacia Ave. Brgy South Triangle, Quezon City.


Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naarestong suspek na si Jhun Cabaya @SkyHigh, 33- anyos, residente ng Brgy Mangahan, Pasig City.

Ayon kay Villanueva, isinagawa ang drug buy bust operation bandang alas- 5:20 kahapon, January 13, 2021.

PDEA2

Nakumpiska sa suspek ang assorted party drugs, 23 ecstasy tablets na may halagang Php39,100, 25 flyhigh capsules na may halagang Php42,500, 300ml Liquid ecstasy na may halagang Php90,000, 1 unit Asus cellular phone na ginagamit sa mga transaksyon at buy bust money na may kabuuan halaga ng P171,600.00.

Sinabi ni Villanueva, si Cabaya @SkyHigh ay isa sa mga supplier ng mga party drugs na mahilig gumamit lalo na ang liquid ecstasy na pinapatak lang sa lahat ng uri ng inumin at kapag napatakan ka nito, magiging sobrang high kana sa droga

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa sec 5 at 11 Art.II RA9165
ang suspek.