-- Advertisements --

Mayroong sapat at nananatiling matatag ang suplay at presyo ng basic goods sa bansa sa kabila ng impact ng nagdaang bagyong Paeng.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Chamber of Food Manufacturers para tiyakin na ma-replenish ang basic necessities at prime commodities.

Nagpaalala naman si Trade Secretary Alfredo Pascual sa mga negosyante at traders na sumunod sa umiiral na price freeze sa basic commodities sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.

Sa ilalim ng Price Act, ang presyo ng mga bilihin sa ilalim ng state of calamity ay dapat na awtomatikong walang paggalaw sa loob ng 60 araw liban na lamang kung tatanggalin ng pangulo ng mas maaga.

Sa latest data mula sa Department of Agriculture (DA), ang partial damage at nawala sa sektor ng agrikultura ay umabot na sa P1.33 billion