NAGA CITY- Nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon ang pag-apula ng mga otoridad sa sumiklab na sunog sa Alson’s Trading sa lungsod ng Iriga sa Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa hepe ng Iriga City PNP na si PCol. Elmer Mora, sinabi nitong sa ngayon patuloy pa ang pakikipag-ugnayan nila sa mga fire marshals mula sa ibang mga Bureau of Fire Protection para sa dagdag na tulong para mabilis na maapula ang sunog.

Ayon kay Mora, sa ngayon hindi pa maalaman ang kabuoang pinsala nito at ang pinagmulan ng apoy.

Subalit ayon dito, gagawin nila ang kanilang makakaya maging ng BFP sa mabilis na pag-apula rito para mapigilang kumalat pa sa mga kalapit na gusali.