Umabot sa 4th alarm na ang sunog sa warehouse ng Brgy. Potrero sa Malabon City.

Nagsimula ito kaninang madaling araw, kung saan mabilis itong kumalat dahil sa musical instrument na nasa loob ng mga bodega.

Nahirapan naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) na makapasok sa lugar dahil na rin sa pagkakadikit ng mga bahay sa nasabing lugar.

Nadamay din ang nasabing bodega ng mga sabon at mga surplus appliances.

Nagtulong-tulong naman ang iba pang mga kagawad ng BFP mula sa iba’t ibang karatig na lugar ng Malabon para tuluyang maapula ang nasabing sunog.