Nagtutulong-tulong na ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross (PRC) at iba pang volunteer groups, para sa mga naapektuhan ng sunog sa naturang lungsod.
Nabatid na nasa pangalawang araw na ito, ngunit nananatili pa rin sa Task Force Bravo.
Ang nasusunog ay ang Herco Trading warehouse at ang residential area na katabi nito sa Brgy. Bagbaguin.
Nahati pa ang atensyon ng mga otoridad nang may isa pang hiwalay na sunog na naitala sa isang factory sa Barangay Canumay West, Valenzuela City.
Wala namang napaulat na nasawi ngunit dose-dosenang pamilya ang inilikas at hinahatiran na ng tulong.
Maliban sa pisikal na pagsalba sa mga biktima, nagkaloob naman ang PH Red Cross ng psychological first aid sa mga naapektuhan ng insidente.
Umalalay na rin ang iba pang bombero mula sa mga kalapit na lugar para mapabilis ang pag-apula ng apoy.
Sinasabing maraming flamable object sa warehouse kaya nahirapan ang mga otoridad na ganap na mapahinto ang sunog.
Naglagay naman ng standby na ambulansya ang LGU at iba pang grupo upang maalalayan ang mga biktima ng sunog at maging ang pagod nang mga BFP personnel at ilan pang fire volunteers.